15

By

Racraquin binuhat ang San Beda, Baste laglag na sa PVL

Sharing is caring!

BINUHAT ni San Beda University Red Lionesses team captain Cesca Racraquin ang kanyang team laban sa San Sebastian College Lady Stags, 25-14, 21-25, 25-20, 25-16, sa 2018 PVL Collegiate Conference sa FilOil Flying V Arena sa San Juan ngayong Sabado.

Mayroong 18 puntos si Racraquin samantalang nagdagdag naman ng 28 puntos sina Iza Viray at Satrriani Espiritu. Hindi nakapaglaro si Racraquin nang dalawang laro dahil sa kanyang knee at shoulder injury.

“Pwersado na kami kailangan din na maipanalo na namin yung game kasi ilang sunod-sunod na talo,” ani Red Lionesses head coach Mesio Gavino Jr.

Kumana naman ng 13 puntos si Joyce Sta.Rita sa 10 atake at dalawang block.

Mayroong 1-3 record ang San Beda samantalang laglag na ang San Sebastian sa playoffs matapos matalo sa limang sunod na pagkakataon.

Ang susunod na makalalaban ng Red Lionesses ay University of Perpetual Help Altas samantalang College of St. Benilde naman ang kalaban ng San Sebastian College.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?