50

Jul 14, 2021 @ 19:36
By

Racists, huli sa video sa Oregon

Bida ngayon sa Twitter ang isang taga-Oregon, USA na dahil lamang sa isang pagtatalo ay nagsambit ng Anti-Asian comment.

Sa video na upload ng user na si @davenewworld_2, kitang nakikipagtalo ang may hawak ng video sa kanyang kapitbahay.

At nang mapansin ng isang babae na kinukuhanan ng sila ng video ay nagalit ito at sinabi ang linyang ‘you should go back to Philippines where you belong.’

Hindi pa ito nakuntento at sinambit pa ang ‘n-word,’ patunay ng pagiging racist nito.

Maririnig din sa video ang ilang mura na sinambit ng mga nakaalitan ng nagvi-video.

Ikinalungkot ng ilang netizen sa US ang pangyayari.

“Is it just me, but whenever I see a house with an American flag, I now get a feeling they might be racist. What happened to America?” reply ng user na si @Essentialworker.

“The confidence of these people saying these things while they know they are being recorded,” saad naman ni @dinotalkspol.


Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,