42
rachelle-ann-go1
May 1, 2018 @ 13:52

Rachelle Ann, nakipagsabayan sa pagbirit sa iba pang aktres sa ‘Hamilton’

Naglabas ng bagong track ang “Hamilton” kung saan tampok ang limang aktres sa “Hamilton”.

Ipinoste ang video ng “First Burn” sa YouTube page ng “Hamilton” nitong Martes kung saan makikita ang makatindig-balahibong biritan nina Arianna Afsar, Julia Harriman, Lexi Lawson, Shoba Narayan, at ang Filipina singer na si Rachelle Ann Go.

Silang lima ang gumanap o gaganap sa role na si Eliza Hamilton sa musical.

Maririnig nga si Rachelle Ann sa video na malinis na bumibirit at nakipagsabayan sa apat na kapwa niya Eliza Hamilton.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?