86

Dec 14, 2017 @ 17:25

Rachelle Ann, kinilig sa panonood ni Emma Stone ng ‘Hamilton’

Masayang ipinost ni Rachelle Ann Go ang larawan nila ng Hollywood actress na si Emma Stone sa kanyang Instagram account.

Dito’y nagpasalamat din ang Pinay singer-actress sa panonood ni Stone ng West End production’s ‘Hamilton’ kung saan gumaganap siya bilang si Eliza Schuyler Hamilton, asawa ni America’s founding father Alexander Hamilton, at co-founder ng unang pribadong orphanage sa New York City.

“I adore her so much!!! Thank you for coming to see @hamiltonwestend #EmmaStone ,” sabi nito sa caption ng larawan na magkatabi sila ni Stone sa Victoria Palace Theater sa London.

Unang gumanap si Go bilang Gigi Van Tranh sa ‘Miss Saigon’ sa Broadway.

Si Stone naman ay highest-paid actress sa buong mundo, at kabilang sa mga pelikula niya ang ‘La La Land’, ‘Battle of the Sexes’ at ‘The Amazing Spider-Man’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?