37

Feb 27, 2021 @ 15:58
By

Rachelle Ann Go ready na manganak

Handa na umano si international musical theater actress Rachelle Ann Go na manganak sa susunod na dalawang linggo.

“2 weeks and a few days to go!🌈 I’ve packed my hospital bags, finally! @spiesmj did his already! 🙈 Ready to go!!! I’m excited and I don’t feel any fear at all😅 Prayers are so powerful🙏🏽” saad ng aktres sa caption ng kanyang post kung saan makikita ang kanyang baby bump.

“To all the preggy mamas out there, how are you feeling during this time?” dagdag pa niya.

Taong 2018 nang ikinasal si Go kay Martin Spies.

Kasalukuyang nasa London ang aktres at inaabangan ang paglabas ng kanilang unang anak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?