124

By

Rachelle Ann Go imbitado sa kasal nina Christian-Kat

Sharing is caring!

Parehong engaged na sa kanilang mga partners ang dating magkarelasyon na sina Christian Bautista at Rachelle Ann Go. Gusto lang linawin ni Christian ang lumabas na balita na willing siyang umawit sa wedding ni Rachelle, ‘yun ay kung invited siya at may approval ng fiancé nito na si Martin Spies.

Pero okey lang bang maimbitahan niya si Rachelle sa kanyang kasal? Ayon kay Christian, nakilala naman daw ng kanyang fiancée na si Kat Ramnani ang mga barkada niya at kasama na roon si Rachelle. Kaya malamang ay puwede nilang maimbitahan ito.

Isa nga raw sa magiging wedding gift ni Christian sa kanyang magiging misis ay isang song na siya ang nagsulat. Pero hindi raw siya ang await nito.

“Oh, I don’t think I want to work on my wedding! I’ll get someone to sing for me siguro,” pagtapos pa ni Christian Bautista. (RUEL MENDOZA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?