238

Sep 26, 2017 @ 17:01

Rachelle Ann Go, excited nang pakasal kay Martin Spies!

Hindi nag-aakasya ng oras at panahon ang Broadway at West End Pinoy star na si Rachelle Ann Go dahil kahit na sa late 2018 or early 2019 pa ang planong kasal nito sa kanyang fiancé na si Martin Spies, pinaghahandaan na niya ito.

Maaga pa lang ay may paghahanda na si Rachelle dahil magiging busy ito sa pagpasok ng 2018 dahil sa paglabas niya sa musical na Hamilton sa West End London.

May trabaho rin sa US ang kanyang fiancé, kaya habang nandito pa sila sa Pilipinas, mabibigay na nila sa kanilang wedding planner ang mga gusto nila sa kanilang wedding. (RUEL MENDOZA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?