58

Nov 21, 2020 @ 10:00
By

Rachelle Ann Go buntis na sa mister na foreigner

Magkakaroon na ng anak ang Pinay singer na si Rachelle Ann Go dalawang taon matapos itong ikasal sa kanyang foreigner na mister,

Sa Youtube vlog ni Rachelle, inanunsyo nito na siya’y nagdadalang-tao at magkakaanak na sila ni Martin Spies.

Pinakita din ng musical theater actress ang kanyang baby bump.

“We are so grateful for this new season, this new blessing. Oh my gosh, I can’t believe it —I’m going to be a mama!” excited na sambit ni Rachelle.

Alam na rin nila ang gender ng kanilang baby ngunit hindi muna nila ito ilalantad.

Nagpakasal ang dalawa noong 2018 at nakatira ngayon sa London.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?