124

Dec 23, 2017 @ 14:42
By

Rachelle Ann at fiance’ Martin Spies, umeksena sa Victoria Palace

Para lang masunod ang ninanais nilang appearance ng kanilang photo opt sa napakahigpit na lugar sa London, nakiusap si Rachelle Ann Go sa isang security officer sa Victoria Palace Theatre para lang payagan sila ng kanyang fiancé na si Martin Spies.

Makikita sa Instagram wall ni Rachelle ang larawan nilang dalawa ng kasintahan sa orchestra audience side ng VT na parang isang mala-vintage na photo shot.

Mala-‘Gone with the Wind’ ang posing nina Rachelle at Martin na magkaharap sa isa’t isa, naka-angkla ang kamay ng huli sa beywang ng Pinay theater actress, habang nasa background nila ang entablado at upuan sa orchestra.

Sadyang gusto lang ni Rachelle Ann na makapagpakuha ng photo sa Victoria theater na ipinagbabawal lalo na kapag may nagaganap na party.

@gorachelleann, “With my FIANCE who flew all the way from…the greatest city in the wuuuurld. Happy 8th monthsary hehehe.

“PS. We weren’t allowed to take photos during the party inside the theater but we told the security we just got engaged and he let us in.”

Kasalukuyang ginaganap ang opening party ng Hamilton production sa loob ng teatro nang mapagtripan ni Rachelle Ann na magpakuha ng larawan.

Kung tutuusin mas may privilege si Rachelle Ann na kahit hindi na siya magpaalam ay magagawa niyang mag-post sa loob, dahil isa siya sa frontliner ng ‘Hamilton’, pero walang pinipili ang rules ng VT.

Buti na lang at naintindihan ng security ang pagiging engaged nilang dalawa kaya pinayagan sila nito.

Kung sa Pilipinas lang ito kinunan, hindi na kinakailangan pa ni Rachelle Ann na magpaalam sa guard dahil kilala siyang sikat na singer.

Anyway, umaapaw pa rin sa kasiyahan at love ang puso ni Rachelle sa ipinapakitang pagmamahal sa kanya ng nasabing fiancé.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?