757

Oct 12, 2017 @ 11:46

Rachel Peters, ‘to die for’ ang alindog; Super slaaaaayyyyy!

SA November 26 na ang Miss Universe na gaganapin sa Las Vegas, Nevada. Kaya naman ang ating representative na si Rachel Peters ay todo-post ng kanyang alindog para sabihin na ready na siya para sa swimsuit competition ng naturang pageant.

Sa isang bakasyon ng Fil-Brit beauty queen sa Amanpulo, pinost nito sa Instagram ang iba’t ibang poses niya na naka-bathing suit siya. Mapa-one-piece o two-piece bikini, kayang mangabog ni Rachel ng ibang kandidata sa Miss Universe.

Sinusulit din ni Rachel ang kanyang bakasyon at pagpapa-tan ng balat bago siya lumipad for Las Vegas para mag-compete sa Miss Universe.

“Last chance to get my tan before Miss Universe!” caption pa ni Miss Philippines Universe. (RUEL MENDOZA)

***

BODY to die for nga, at perfect body, ang deskripsiyon ng netizens sa alindog ni Rachel Peters. Kaloka nga ang waistline nito, na parang hindi kumakain.

Ang ganda rin ng porma ng boobs, at lalo na ang abs. At ang color niya na morenang-morena, lalong nagpatingkad sa ganda niya.

Kaya ang mga followers niya, lalo na ang mga boys, parang mga gutom na gutom sa kaseksihan niya.

Sabi ni martinjhonneri, “Go rachel, we are here to support you, maintain that body to die for. Gogogo!” Hirit naman ni jeswealthy, “Wowowoow perfect!”

At para kay rufusmcfierce, diyosang-diyosa ang kagandahan ni Rachel. Kaya ang sigaw rin ni emperormark “Slaaaaaaay queen @rachelpetersx!!!”

At ganu’n din ang sabi ni _jheyssie_gorg na kesyo, “Slayyyyyyy!” at tsika ni itsroncruz “Vavaboom.”

Well, wish nga ng mga Pinoy, maibalik ni Rachel ang korona sa Pilipinas, matapos itong masungkit ni Pia Wurtzbach nu’ng 2015. (DONDON SERMINO)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?