210

Nov 21, 2017 @ 14:18
By

Rachel Peters, suportado ng BF sa Miss Universe 2017

Lumipad na patungong Las Vegas, Nevada si Camarines Sur Governor Migz Villafuerte para saksihan ang Miss Universe 2017 na gaganapin doon ngayong Nov. 26.

Ang kasintahan ni Gov. Migz na si Rachel Peters, na pambato ng Pinas sa gaganaping Miss U 2017, ang dahilan ng pagbisita ng pulitiko para suportahan ito sa paligsahan.

Naka-post sa Instagram account ng asawa ni Nadine Samonte na si Richard Chua ang selfie photo ng grupo nila kabilang na nga si Gov. Migz habang nasa airport.

@rboy_chua, “Squad goin to vegas for the crowning of our ms universe @rachelpetersx @migzvillafuerte @sunilboom @paco_gancayco #thisisit #bringhomethecrown.”

Hindi puwedeng hindi pumunta at personal na suportahan ni Migz si Rachel dahil sa isang interview sa CamSur governor ng ABS-CBN, sinabi nitong pagagalitan siya ng kasintahan kung wala siya mismo sa pageant.

Halos araw-araw daw kausap ni Migz si Rachel sa telepono mula pa nang dumating ito sa Amerika at sinabi nga ng pambato ng Pinas na kailangang nandoon siya sa Las Vegas para bigyan ng lakas ng loob ang huli.

Sabi pa ni Migz sa interview, nakakaramdam siya ng kaba sa laban ng kanyang kasintahan na dapat sana ay hindi niya maramdaman.

Ibig sabihin nito, gusto talaga ni Gov. Migz na maabot ng girlfriend niya ang pangarap nitong maging Ms. Universe na inamin rin naman niyang ganundin ang dream niya para sa kasintahan. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?