347

Nov 25, 2017 @ 9:34
By

Rachel Peters next Miss Universe ayon sa dyowang pulitiko; Miss Universe live sa ABS-CBN

Sumugod na sa Las Vegas ang buong pamilya ni Rachel Peters para sa Miss Universe 2017. Nandun na rin ang boyfriend niyang pulitiko na si Migz Villafuerte, na ngayon pa lang ay kini-claim na nga na ang girlfriend niya ang tatanghaling Miss Universe sa Nov. 26 (Nov. 27 sa Pilipinas).

Mapapanood na nga ang pinakaaabangang 66th Miss Universe pageant live mula sa The AXIS at Planet Hollywood Resort & Casino sa Las Vegas, Nevada ngayong Lunes (Nov. 27), 8AM, sa ABS-CBN.

Handang-handa na nga ang pambato ng Pilipinas na si Rachel Peters na makipagtagisan ng ganda at talino sa 90 iba pang naggagandahang mga kandidata mula pa sa iba’t ibang panig ng mundo para maiuwi ang ikaapat na Miss Universe crown ng bansa.

Agaw-eksena na si Rachel sa ginanap na preliminary swimsuit at evening gown competition suot ang kanyang Yamamay swimsuit at eleganteng gold gown.

Ginulat din ni Rachel ang Pinoy pageant fans sa national costume show kung saan rumampa siya sa Sarimanok-inspired costume na likha ni Val Taguba. Ang Sarimanok ay simbolo ng mabuting kapalaran para sa mga Maranao.

Tulad ng inaasahan, todo-suporta ang mga Pinoy kay Rachel sa online voting ng Miss Universe. Tuloy-tuloy nga ang kanilang pagboto sa Miss Universe website at walang tigil din ang pag-tweet gamit ang hashtags na #MissUniverse and #Philippines.

Muling nagbabalik si Steve Harvey bilang host kasama si Ashley Graham, habang magsisilbi naman bilang judges sina Ross Matthews, Jay Manuel, Lele Pons, Megan Olivi, Wendy Fitzwilliam, at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Nakatakda ring magtanghal ang international stars na sina Fergy at Rachel Patten.

Huwag palalampasin ang most beautiful day in the universe at panoorin ang 66th Miss Universe pageant live mula sa Las Vegas ngayong Lunes (Nov. 27) 8AM sa ABS-CBN. Mapapanood din ang primetime replay nito sa Sunday’s Best ng ABS-CBN sa Dec. 3 at Dec. 4 sa Lifestyle.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?