Rachel Peters: I’m sorry, Philippines

Sharing is caring!

Humingi ng paumanhin si Binibining Pilipinas-Universe Rachel Peters sa mga Filipino matapos hindi maiuwi ang korona ng Miss Universe sa Las Vegas noong Lunes.

Gayunpaman, masaya umano siya dahil sa pagmamahal na natanggap niya mula sa mga Pinoy na walang patid ang suporta sa kanya sa kabuuhan ng kumpetisyon.

“I am sorry Philippines. We didn’t get the crown but you know, I’m really happy and grateful for all the love and support,” pahayag ni Peters sa “State of the Nation” ng GMA 7.

“It was a wonderful experience for me and I couldn’t be happier,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?