141

Rachel Peters ‘hot pick’ sa Miss Universe

Sharing is caring!

Isa si Rachel Peters, kandidata ng Pilipinas sa mga paboritong manalo sa 66th Miss Universe competition, ayon sa pageant website Missosology.

Nangunguna sa listahan si Miss Thailand Maria Poonlertlarp na sinundan nina Miss USA Kara McCullough at Miss Venezuela Keysi Sayago. Nasa fourth spot si Peters.

Bago ang pageant, nag-leak online ang evening gown na susuotin ni Peters.

Sinabi ng trainer mentor nito na si Rodgil Flores na may ‘pasabog’ sa araw ng pageant.

Bukod kay Peters, paborito rin sina Miss Mexico Denisse Franco, Miss South Africa Demi-Leigh Nel-Peters, Miss Russia Kseniya Aleksandrova, Miss Iceland Arna Yr Jonsdottir, Miss Brazil Monalysa Alcantara, at Miss Indonesia Bunga Jelitha.

Mahit 90 kandidata sa buong mundo ang kasali sa Miss Universe coronation event na gaganapin sa The AXIS Planet Hollywood in Las Vegas, United States ngayong Lunes ng umaga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?