142

Dec 5, 2017 @ 15:31
By

Rachel Peters hinamon ni Sam Pinto sa surfing

Nais imbitahan ng sexy actress na si Sam Pinto si Miss Universe Philippines Rachel Peters sa kanyang surfing resort sa Baler, Aurora. Gusto nga ni Sam na magsabay sila ni Rachel na mag-surf.

Kaibigan kasi ni Sam ang boyfriend ni Rachel na si Camarines Sur Governor Miguel Luis Villafuerte. At napanood nga ni Sam sa video clip sa Miss Universe na mahilig din sa beach at surfing si Rachel.

May coffee shop business nga si Rachel sa isang beach resort sa Siargao.

“But she’s busy kasi with her Siargao, ‘di ba? So it’s hard to invite her to Baler,” diin pa ni Sam. Ang resort nga ni Sam sa Baler ang dahilan kung bakit wala siya sa Manila madalas.

“I’ve always been a water baby. I like swimming, I like the beach and I’m a Sagittarius, so I’m into sports.

“The resort’s doing really well. It’s starting to be the peak season and also it’s starting to be the surf season, so ibig sabihin may waves ngayon sa Baler, that’s why people are starting to go again.

“I feel like Baler is still untouched kasi when you surf there, you can still see mountains on both sides and coconut trees.

“The beach stretch is longer, so hindi s’ya against sa waves, so you can surf anywhere there,” sey pa ni Sam.

Nakatayo ang resort ni Sam sa 3.5 acre property. Noong una raw ay balak na magpatayo ng rest house lang si Sam. Pero dahil sa ganda ng lugar, isang resort business na ang naisipan niyang gawin.

Ilang celebrities na raw ang nakarating sa resort niya. Kabilang na rito sina Andi Eigenmann, Elisse Joson, Myrtle Sarrosa, Miho Nishida at marami pang iba. (Ruel Mendoza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?