62

Jul 17, 2021 @ 18:50
By

Rachel Peters, Gov. Villafuerte kasal na

Ikinasal na nitong Biyernes si Miss Universe Philippines 2017 Rachel Peters kay Camarines Sur Governor Migz Villafuerte sa isang civil wedding sa Supreme Court sa Maynila.

Sinakto nila sa kanilang ika-pitong anibersaryo bilang magkarelasyon ang naturang kasal.

“Celebrated [seven] years together by making it official,” saad ni Rachel sa kanyang Instagram post.

Ibinahagi rin ni Villafuerte sa kanyang social media account ang pangyayari.

“I love you so much @rachelpetersx! You are my dream woman,” pahayag ng gobernador.

Ibinahagi rin ni Villafuerte na balak pa nilang magdaos ng isang mas malaking kasal sa susunod na taon.

Nitong Mayo ay inanunsyo ni Rachel na buntis na siya.

Noong nakaraang taon pa nila planong magpakasal ngunit naantala ito dahil sa pandemya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?