26

Oct 21, 2021 @ 9:06
By

Rachel ipinakilala na baby sa mga netizen

Nito lamang Miyerkoles nang first time ipagdiwang ni Rachel Peters ang kanyang birthday kung saan isa na siyang ‘mommy.’

Kasabay nito, ipinakilala na rin ni Miss Universe Philippines 2017 ang kanyang newborn baby sa mga netizen.

“The most precious birthday gift 💝 Kaia Rose 11.10.21,” sey niya sa caption ng kanyang Instagram post.

https://www.instagram.com/p/CVPsWy5phFf/?utm_source=ig_web_copy_link

“One week with this sweet girl and my heart is bursting with love and gratitude. Thank you so much for all your well wishes! This mama is so happy,” pagpapatiloy pa niya.

Si Kaia Rose ang unang baby nila ng mister niyang si Camarines Sur Gov. Migz Villafuerte. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?