555

Oct 31, 2017 @ 14:56

Rachel Alejandro, ayaw nang magka-baby

Sinagot ni Rachel Alejandro ang mga tanong sa kanya sa showbiz kung bakit sa tagal ng kanilang marriage life ng Spanish husband niya, hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkakaroon ng anak.

Ayon sa singer-performer, nagdesisyon silang mag-asawa na hindi sila magka-anak lalo’t mahilig silang mag-travel.

Noong mga nakaraang taon, nagtrabaho sa New York at Bangkok ang kanyang asawa. Madalas na lumilipad si Rachel para lang puntahan ang kanyang asawa.

Isang journalist dati ang asawa ni Rachel at ngayon ay sa ADB ito nagtatrabaho.  Limang taon na raw silang naninirahan dito sa ‘Pinas at feeling niya ay posibleng lumipat na naman sila ng ibang lugar dahil gustong kumuha ng Masteral degree ng mister niya.

Mahihirapan daw silang mag-asawa kung magkakaroon sila ng anak dahil sa kanilang lifestyle kaya ibinasura na nito ang ideya ng pagkakaroon ng baby.

Inisip din ni Rachel kung pagsisisihan ba niya ang hindi pagbubuntis lalo’t hindi na posible sa edad niya ngayon ang magka-baby.

Pero ayaw naman niyang mahirapan din ang kanilang pagsasama lalo’t madalas silang umaalis na mag-asawa.

Anyways, happy naman si Rachel sa set nilang mag-asawa at nagagawa pa rin naman niya ang mag-show, gaya na lamang sa magaganap na pre-Valentine show niya, ang “Rachel In Love”, sa Chelsea’s Gardens and Events Place, Lakewood Subdivision, Cabanatuan City on Nov. 10, 2018.

Prinudyus ito ng mag-iinang Sylvia Corleto, Chris Corleto at Cheryl Corleto-Roxas para sa GIG Events Productions at ididirehe ito ni Vergel Sto. Domingo.

Ang pagkanta ang hindi puwedeng isaisantabi o kalimutan ni Rachel. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?