73

Feb 15, 2018 @ 23:11
By

Racela tiwala pa kahit baon na ang TNT

PALALIM nang palalim ang pagkakabaon ni Nash Racela at kaniyang Talk ‘N Text KaTropa matapos makuha ang kanilang pangatlong sunod na talo noong Miyerkoles sa PBA Philippine Cup elims.

Dahil sa magandang larong ipinamalas ng GlobalPort, nagulantang ang TNT, 99-94, at nasapawan sa pangwalong puwesto sa rekord na 4-4 panalo-talo ang karibal.

Lugmok ang KaTropa sa 4-6 at dumausdos sa pang-siyam. Isang laro na lang ang natitira sa kanila at iyon ay sa Pebrero 28 sa MOA Arena, Pasay kontra NLEX.

Pero positibo pa rin si Racela maski nasa hukay na ang isang paa nila sa season-opening conference.

“At this point hawak pa rin namin ang kapalaran namin because still for us to be able to give our self a chance we still need to win that last game,” giit ng Texters coach.

“If we lose that obviously wala na tayong pinag-uusapan,” pahabol pa niya.

Lumobo hanggang 30 puntos ang lamang ng Batang Pier dahil sa sipag at tiyaga ni Juan Nicholas ‘Nico’ Elorde.

Nagtala ng kaniyang season high na 17 points, seven rebounds, seven assists ang 26-year-old Parañaque native para pangunahan ang Batang Pier sa paggulat sa Texters.

Habang sa kabila, ang kaniyang nakatapat na number one guard sa Asia na si Jayson Castro ay naka-24 points at five rebounds. (Christian Cortez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?