50

Sep 18, 2021 @ 19:44
By

Racela lilitisin ng Blackwater sa susunod na linggo

Sa susunod na linggo huhusgahan ng Blackwater management ang kapalaran ng kanilang head coach na si Nash Racela.

Ayon sa mga ulat, sa susunod na buwan matatapos ang kontrata ni Racela sa Bossing.

“We will decide next week,” pahayag ni team owner Dioceldo Sy.

Tinapos ng Bossing ang kanilang kampanya sa 2021 Philippine Cup bitbit ang 0-11 record.

At dahil mayroon silang eight-game losing streak buhat sa nakaraang season, inangkin nila ang pinakamahabang losing streak sa kasaysayan ng PBA sa 19.

Bukod sa kapalaran ni Racela, paguusapan na rin daw ng management ng Blackwater ang gagawing pagbabago sa kanilang roster.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?