15

By

Racela ‘di makapaniwalang nasilo nila ang Blue Eagles

Sharing is caring!

Umuusok ang ilong ng FEU Tamaraws.

Tatlong araw mula nang tuldukan ang undefeated streak ng Adamson noong Linggo 88-85, nakatakas muli sila sa banta ng defending champs Ateneo 63-60 nitong Miyerkoles sa Mall of Asia Arena.

Kahit na pumasok ang FEU na determinado sa laro, hindi pa rin makapaniwala si head coach Olsen Racela na nanalo sila laban sa Blue Eagles.

“Well, ako hindi ko rin alam paano namin ginawa ‘yun. If you noticed, kami ‘yung pinakagrabe ‘yung schedule. Meron pa kaming laro sa Linggo. We played five games in two weeks. Sunday, Wednesday, Sunday, Wednesday, Sunday,” giit ni Racela.

Kasalukuyang may 5-2 baraha ang Tamaraws sa pagtatapos ng kanilang first round, katabla sa second at third spot ang Blue Eagles sa likod ng lider pa ring Adamson na may 5-1 kartada.

“We had a bad start. Against Ateneo hindi puwede ‘yun kaya hindi namin alam kung paano namin nagawa ‘yun.”

Bago magsimula ang season, sinabi ni Racela na magugulat na lang siya kung magawa niyang talunin ang Ateneo.

Nangyari nga ang kanyang sinambit.

“So, nagulat ako,” biro ni Racela sa mga media.

“We all know how good coach Tab [Baldwin], so he’ll make necessary adjustments for them to come back stronger in the second round,” dagdag niya.

Gayumpaman, hinihikayat ni Racela na ipagpatuloy lang nila ang kanilang magandang laro sa second round upang makasiguro na sa Final Four.

“What we need is to be consistent. Every game is actually very important, it can determine your fate this season. Puwede kang mapasok sa Final Four or ma-eliminate because of one loss. ‘Yun ang kailangang maintindihan ng aming team,” paliwanag ni Racela.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?