44

Sep 28, 2021 @ 16:22
By

Rabiya ‘sinuot’ watawat

Tatlong araw bago ipasa ang korona, humirit pa ng awra si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo at ibinalandra ang kanyang tatlong gown na hango sa kulay ng Philippine flag.

Makikita sa latest Instagram posts ng aktres ang litrato niyang naka-gown ng kulay pula, dilaw at puti, at bughaw.

“I wish for bravery and grit on days when you feel like giving up,” caption niya sa picture kung saan suot niya ang nagbabagang red gown.

“I wish you find your light in these seemingly dark days. I wish you well,” sey naman niya sa caption ng kanyang litrato kung saan suot niya ang dilaw at puting gown.

“I wish for peace and overwhelming calm to envelope your day,” caption niya para sa kanyang blue gown look.

Nakatakdang ipasa ni Rabiya ang Miss U PH crown sa magwawaging beauty queen sa Setyembre 30.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?