80

Oct 4, 2021 @ 18:18
By

Rabiya problemado sa finger

May sikretong ibinunyag si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.

Inamin ni Rabiya na problemado siya kapag may mga beauty shot na kailangan ang kamay.

Mayroon daw kasi siyang tinatawag na swan-neck deformity o baliko ang daliri sa kanyang kamay.

“Hindi talaga siya straight. Baliko talaga siya so I’m having trouble minsan o a hard time doing ‘yung mga beauty shot na kailangan ng kamay kasi ang tigas-tigas niya. Hindi siya nakakaganda,” kuwento ni Rabiya sa panayam sa “Unang Hirit”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?