101

May 24, 2021 @ 14:58
By

Rabiya pinatakam fans sa short hair

Walang duda – isang anghel sa lupa ang kagandahan ni Rabiya Mateo.

Ngunit muling ginulantang ni Rabiya ang 1.7 milyong followers nito sa Instagram nitong Lunes matapos magpost ng picture kung saan maiksi na ang kanyang buhok.


“Nah, just bluffing,” saad ni Rabiya sa caption ng litrato.

Napa-wow ang mga netizen sa new-look ng Miss Universe Philippines 2020, at bakit nga naman hindi, bumagay kasi sa kanya ang naturang hairstyle.

Ngunit matapos lamang ang ilang saglit ay pinost ni Rabiya sa kanyang Instagram story na wig lamang ang kanyang suot at nananatili ang kanyang mahabang buhok.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?