29

Jul 11, 2021 @ 11:21
By

Rabiya pang-Hollywood ang beauty!

Bigo mang makoronahang Miss Universe ay bumubuhos pa rin ang blessings para kay Rabiya Mateo.

Sa panayam ng ‘Unang Hirit’, nilantad ni Rabiya na may offer sa kanya ang isang Hollywood director para gumanap sa pelikula nito na balak i-shoot sa Pilipinas.

“May mga napag-usapan po kaming project during that time. They were planning to shoot something dito sa Philippines at naghahanap sila ng lead na babae,” sey ni Rabiya.

“Nilatag na po nila ‘yung storyline kung ano ‘yung possible na role ko. Pero nothing is for sure. Hopefully, sana malay natin ‘yung first movie ko Hollywood movie,” aniya pa.

Matatandaan na nag-post si Rabiya ng photo kasama si Cyrus Nowrasteh, kilalang direktor sa Hollywood.

Bukod sa posibleng movie ni Rabiya ay magkakaroon na rin ito ng teleserye sa GMA-7.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?