142

May 10, 2021 @ 18:47
By

Rabiya nalaglag sa pool sa Miss Universe photoshoot

Nahulog sa pool si Miss Universe Philippines Rabiya Mateo habang nasa photoshoot para sa Miss Universe pageant.

Sa video na binahagi ng Aces and Queens, makikita si Rabiya habang nakalubog ang kalahati ng katawan sa pool.

Hindi naman nagpaapekto rito ang pambato ng Pilipinas dahil idinaan na lamang ito sa tawa ng Ilongga beauty.

“A lot of things happened, first of all, I accidentally fell in the pool. So I got half of my outfit wet and then I almost lost my diamonds,” wika niya.

Ligtas naman si Rabiya sa nangyari.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?