186

Nov 14, 2021 @ 21:00
By

Rabiya nagpatakam sa kaarawan

Kasabay ng kanyang ika-25 kaarawan ngayong Linggo ay ipinamalas ni beauty queen Rabiya Mateo ang kanyang kaseksihan sa Instagram.

Sa mga litrato, todo-pose si Rabiya sa isang studio kung saan pinasilip din niya ang kanyang wetpaks at maalindog na kurbada.

“Cheers 25 years of living, hustling and tripping over life!” saad ng beauty queen sa caption ng una niyang post.

“Thank you to all of you who greeted and remembered me on my special. Massive hugs and kisses to all,” pahayag naman niya sa ikalawang IG post.

Si Rabiya ang naging pambato ng bansa sa nakaraang Miss Universe pageant.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?