16

Jan 15, 2021 @ 13:14
By

Rabiya Mateo nakiisa sa IPNAP

Nakiisa si Miss Universe 2020 Rabiya Mateo sa ethics committee ng Infant and Pediatric Nutrition Association of the Philippines (IPNAP) sa layunin nitong maipatupad ang “Milk Code of the Philippines.”

Sa kanyang Instagram post, ibinhagi ng Miss Universe na layunin niya sa taong 2021 ang gumawa ng mga mabubuting bagay para sa mga taong nakapaligid sa kanya at sa bansa.


“This 2021, I promised myself to do greater things for the people around me and for my country,” saad niya sa caption ng kanyang post.

“I am not scared to try new things; to learn and absorb knowledge, have a better understanding of the universe, and to do things beyond expectations,” dagdag pa niya.

Kasunod nito, inanunsyo ni Mateo ang kanyang pakikiisa sa naturang committee ng IPNAP.

“I am happy to announce that I am now part of the Ethics Committee of the Infant & Pediatric Nutrition Association of the Philippines (IPNAP). My duty is to focus on participating in discussions revolving implementation of the Milk Code of the Philippines,” sambit niya.

Makakasama ni Mateo sa ethics committee sina dating Undersecretary Kenneth Hartigan-Go, Rev. Fr. Reblora Manlangit, Reiner Gloor, at Dr. Arnel Salud Nuguid.

Bukod sa pagiging beauty queen ay isa ring graduate ng Iloilo Doctors’ College si Mateo na nagtapos sa kursong Physical Therapy.

Kasabay ng pagkilala sa kanya bilang Miss U, binigyan din si Mateo ng parangal na Ambassador for Education noong nakaraang taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?