33

Nov 18, 2021 @ 15:20
By

Rabiya hinawla ng Siyete

Super happy si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na panibagong dream niya ang natupad.

Nitong Huwebes pumirma siya ng kontrata sa GMA Network at ganap nang artista.

Kasunod ito ng pag-represent niya sa Pilipinas sa Miss Universe 2020 nitong Mayo sa Florida, United States.

Unang acting job ni Rabiya ang Halloween episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho” na may titulong “Gabi ng Lagim IX” nitong Oktubre.

Ayon sa GMA, mapapanood si Rabiya sa series na “Agimat ng Agila” Book 2. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?