22

May 15, 2021 @ 19:40
By

Rabiya 1M na ang IG followers

Hindi pa man lumalabas ang resulta ng 69th Miss Universe ay marami ng mata at puso ang nabighani sa ganda ni Rabiya Mateo.

Ito ay matapos humakot ng 1 milyong followers sa Instagram. Siya ang una at nag iisang kandidata sa kompetisyon na nagkaroon ng ganong karaming tagasunod sa nabanggit na social media site.

Inaasahan pa na darami ang kanyang mga followers sa mga susunod na araw.

“Woke up with 1 Million followers! You guys are the best. Sending love to the rest of the universe. Today is a big day. Please pray for us,” pahayag ni Mateo sa isang Instagram post.


Nitong Sabado lamang ay muling napanganga ang mga manonood sa dilaw na gown na suot ni Mateo sa preliminary round ng kompetisyon. Ang gown ay disenyo ni Furne Amato, isang Pinoy na naka-base sa Dubai.

Susubukan ni Mateo na maiuwi ang koronang Miss Universe sa Lunes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?