25

Oct 6, 2021 @ 19:10
By

R. Kelly sinuka ng YouTube

Binura na ng YouTube ang dalawang opisyal na channel ng R&B singer na si R. Kelly matapos itong mahatulang guilty sa kasong sex trafficking kamakailan.

Ayon sa video streaming website, pasok sa kanilang creator responsibility guidelines na ang channel ng indibidwal na mahatulang guilty sa isang kaso ay kanilang buburahin.

Hinatulan si R. Kelly, Grammy-award winning singer, ng guilty sa pang-aabusong sexual sa mga babae partikular ang mga bata sa loob ng ilang dekada.

Kilala si R. Kelly sa mga kantang ‘I Believe I can Fly’ at ‘Ignition.’

Hindi na makakapagbukas ng channel ang singer sa YouTube.

Samantala, umaasa ang mga taong namumuhi dahil sa mga krimen ni R. Kelly na gagayahin ng Spotify, Apple at Amazon ang ginawa ng YouTube.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?