49

By

R. Kelly nagbayad ng libo-libong dolyar para sa mga sex tape

Siniwalat ng federal prosecutors na nagpakawala ng libo-libong dolyar si singer R. Kelly noong 2001 para mahanap at marekober ang mga videotape kung saan mapapanood ang pakikipag-sex niya sa mga teenager, maging ang pagbabayad nito sa mga biktima para magsinungaling.

Nahaharap si Kelly, 52, sa dalawang hiwalay na federal grand jury indictments sa Illinois at New York.

Naaresto ang “Ignition” singer noong Huwebes sa Chicago at inaasahang mananatili sa kustodiya ng pulisya hanggang Martes.

Humarap siya sa Chicago federal court noong Biyernes na nakasuot na ng orange prison jumpsuit.

Giniit naman ng kanyang abogado na si Steve Greenberg na dapat payagan itong magpiyansa dahil hindi naman ito flight risk.

“He’s certainly not a flight risk, he’s not a danger to anybody at all,” sabi ni Greenberg sa labas ng courtroom.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?