53

Aug 3, 2019 @ 14:20
By

R. Kelly nag-plead ng ‘not guilty’ sa sexual abuse case

Naghain ng not guilty plea si R&B singer R. Kelly sa pang-aabusong seksuwal sa mga babae.

Humarap si Kelly sa Brooklyn courtroom kung saan binasura ng judge ang hirit niyang makapagpiyansa dahil sa pagiging flight risk umano niya at danger to public safety.

Inakusahan si Kelly, o Robert Kelly, 52, ng paggamit sa kanyang kasikatan para makalambat ng mga babae at teenager na makaka-sex niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?