95

By

R. Kelly inaresto sa kasong child porno

Dinakip nitong Biyernes ang R&B singer na si R. Kelly dahil sa child pornography at iba pang kaso sa Chicago.

Inaasahang dadalhin ang 52-anyos na singer sa New York.

Kabilang sa mga kaso ni Kelly ang child pornography, enticement of a minor at obstruction of justice.

Apat na dekada nang subject of sexual abuse allegations si Kelly na involve ang mga bata.

Noong 2008 ay na-acquit siya sa child pornography na nag-ugat sa videotape kung saan makikita si Kelly na nakikipag-sex sa isang 13-anyos na batang babae.

Kilala si Kelly sa mga kantang “Ignition”, “I Believe I Can Fly” at “I’m Your Angel”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?