33
jose-calida
Mar 5, 2018 @ 19:08
By

Quo warranto puwedeng gamitin vs impeachable officer – SolGen

Hindi hadlang ang pagiging impeachable officer sa pagsusulong ng quo warranto proceedings.

Ito ang iginiit ni Solicitor General Jose Calida batay na rin sa jurisprudence o naunang desisyon ng Korte Suprema sa kaso ng Funa versus Villar.

Katunayan, tinukoy umano ng Korte Suprema sa nasabing kaso na ang quo warranto ay maari pa rin gamitin laban sa mga impeachable officer.

Ang nasabing kaso ay tumutukoy sa pagkwestiyon ni Atty. Dennis Funa sa legalidad ng pagkakatalaga kay Reynaldo Villar bilang Chairman ng Commission on Audit na idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional.

Hindi ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ni Funa kahit si Villar pa ay impeachable officer at kahit pa nagbitiw na si Villar sa pwesto noong February 2011, dinesisyunan pa rin ng Korte Suprema ang merito ng kaso.

Pinagtibay din ng Korte Suprema ang quo warranto proceeding sa isang impeachable officer batay sa desisyon nito sa kaso ng Nacionalista Party vs Vicente De Vera kung saan kinuwestiyon ang pagkakatalaga kay De Vera bilang Comelec Chairman noong taong 1949.

Tinukoy ng Korte Suprema sa kaso ng Nacionalista na “quo warranto” at hindi prohibition ang akmang remedyo na dapat gamitin sa pagkwestiyon sa validity ng pagtalaga sa Chairman ng Comelec na isang impeachable officer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?