By

Quo warranto petition vs Sereno, posibleng mahatulan sa Hunyo

Sharing is caring!

Maaaring sa Hunyo na madesisyunan ng Supreme Court En Banc ang quo warranto petition laban kay Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno.

Sa Abril 20 itinakda ng Korte Suprema ang deadline para sa pagsusumite ng memorandum ng kampo nina Solicitor General Jose Calida at Sereno.

Ang petsa para sa huling summer session ng Korte Suprema ay sa Abril 24, pero dahil inaasahang pag-aaralan pa ang kaso at iikot ang babalangkasing desisyon sa mga miyembro ng en banc ay maaaring hindi maihabol ang pagpapalabas ng desisyon ngayong Abril.

Sa buwan naman ng Mayo ay naka-recess ang sesyon ng Korte Suprema para tutukan ang pagsusulat ng mga desisyon sa kaso.

Sa Hunyo na ang balik ng sesyon ng Kataas-taasang Hukuman kung kailan inaasahan naman ang pagpapalabas ng desisyon sa quo warranto petition laban kay Sereno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?