tom-villarin1
By

Quo warranto petition laban kay Sereno, ibasura na – Villarin

Sharing is caring!

Balewala na umano ang inihaing quo warranto petition ni Solicitor General Jose Calida laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ito ay matapos mabawi ng kampo ni Sereno ang 11 Statements of Assets Liabilities and Net Worth (SALN) ng punong mahistrado.

Katuwiran ni Akbayan Rep. Tom Villarin ang hindi paghahain ng SALN ni Sereno ang isa sa ginamit na mga basehan sa impeachment case nito at sa quo warranto petition.

“It’s a welcome development and should put to rest the issue of her non-filing of SALNs. To save face over taking the issue which the SC has no jurisdiction, it should dismiss the quo warranto petition immediately,” sabi ni Villarin.

Ayon kay Villarin, bukod sa wala nang basehan ang isyu na ibinabato kay Sereno, isa na lamang uri ng harassment ang kaso na inihain sa kanya ng gobyerno.

“It was a non-justiciable issue brought mainly as a harassment suit by Solgen Jose Calida under direct orders of President Duterte who declares anyone critical of him as an enemy,” ani Villarin.

“The battle now shifts to the impeachment court which is the Senate. The House leadership has long decided that CJ Sereno is guilty sans the plenary vote,” dagdag ng kongresista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?