151

Feb 24, 2020 @ 11:34
By

Quo warranto ni Calida sinagot na ng ABS-CBN

Tumugon na ngayong Lunes ang ABS-CBN sa petisyon ni Solicitor General Jose Calida upang ipawalang-bisa ang kasalukuyang prangkisa ng TV giant.

Sinabi ng SolGen sa naturang quo warranto petition na nagsasagawa umano ng “abusive practices” at lumabag sa mga patakaran sa prangkisa ang ABS-CBN.

Ayon sa GMA News, ngayong Pebrero 24, 2020 din hinain ng kompanya sa Korte Suprema ang kanilang komento ukol sa hiniling na gag order ni Calida para hindi makapagsalita ang network ukol sa kaso dahil nakakaimpluwensiya umano ito sa public opinion at sa mismong kaso.

Na-offend din kasi si Calida sa mga nilabas na pahayag ng broadcast network na naninindigang wala itong nilabag na batas at walang outstanding tax liability sa gobyerno.

Sa ngayon, hindi pa dinidinig ang franchise renewal ng ABS-CBN sa Kongreso kahit mapapaso na ang prangkisa nito sa March 30, 2020, na tiniyak naman ni House Speaker Alan Peter Cayetano na pwede pa ring mag-operate hanggang pagtatapos ng 18th Congress sa 2022.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?