27
daniel-quizon2
By

Quizon gumapang sa unahan sa Asian Youth Chess

Sumosyo sa unahan si Daniel Quizon matapos nitong pagpagin si top seed IM Tran Minh Thang ng Vietnam sa Round 2 ng Asian Youth Chess Championships Standard event, Open Under-18 category kamakalawa sa Lotus Pang Suan Kaew Hotel sa Chiang Mai, Thailand.

Kinaldag muna ni Quizon sa Round 1 si Jacob Joseph Chan ng Australia, kasalo nito ang kababayang si Fide Master John Marvin Miciano ng Davao City.

Nakapagtala rin ng perfect two points sina Arya Omidi ng Iran at Timur Nurzhanov ng Kazakhstan.

Sa panig naman ni Miciano, dinaig niya sina CM Regan Crowley ng Australia sa Round 1 at Ahmad Nazari Emir Rusyaidi ng Iran sa Round 2.

Kumana rin si Michael Concio Jr. ng Dasmariñas City, Cavite at tinalo sina Wu Po-Sheng ng Chinese-Taipei at CM Ruslan Sezdbekov ng Kyrgyzstan ayon sa pagkakasunod para samahan ang apat pang manlalaro sa liderato sa Open 16 years old and below category.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?