1,189

Jun 30, 2019 @ 10:38
By

Quiroga asam sumipa sa Uzbekistan

Mula sa panonood lang sa internet ng laban ng kanyang mga iniidolong karateka, parte na ngayon ang 18-year old Cebuana na si Allison Kyle Quiroga ng National squad.

Ito ay matapos pabilibin ni Quiroga ang lahat sa paghataw sa idinaos na National Championships ng Karate Pilipinas noong Mayo.

Sa nalalapit na laban ng koponan sa Asian Karate Federation Tournament sa Uzbekistan Hulyo 14-21, hangad ni Quiroga na mapabilang sa mapipiling 18 karateka na isasalang sa kumpetisyon kung saan ang kanilang Turkish coach na si Okay Arpa ang pipili.

“Hoping po na isa ako sa mapili ni coach, positive naman po ako at ipinagdadasal ko po at gagalingan,” saad ni Quiroga.

Kung sakaling palaring mapili si Quiroga ay ito ang magiging pinakauna niyang international exposure sa kanyang career.

Sa ngayon, tanging hangad ni Quiroga na pag-igihin ang sarili upang maging katuwang ng Karate Pilipinas sa pagtaguyod ng isport sa loob at labas ng bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?