11

Sep 15, 2020 @ 17:49
By

Quimbo sa DOTr: Distancing protocol ipaubaya sa mga health expert

Kinuwestiyon ng ilang kongresista ang Department of Transportation (DOTr) matapos ipatupad ang pagbawas ng physical distancing sa mga public utility vehicle (PUV) noong Lunes sa kabila ng tumataas pa rin na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa budget hearing para sa DOTr, sinabi ni Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo na hindi dapat makialam ang naturang ahensya sa protocol pagdating sa physical distancing.

“Nagde-debate pa ho tayo whether it is wise to reduce social distance protocol. Hayaan na lang natin ang health experts to debate on that,” ayon kay Quimbo.

Aniya, kung nais makatulong ng DOTr sa mga commuter ay dapat na magdagdag sila ng mga pinayagang makabalik sa pamamasada.

Mungkahi naman ni Ako Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin, kung hindi iaatras ng DOTr ang bagong protocol sa physical distancing ay dapat nilang pag-aralan ang contacless payment ng pamasahe sa lahat ng public transport, pati na rin ang paglalagay ng sanitizing station sa mga terminal.

Paliwanag naman ni DOTr Sec. Arthur Tugade, ang naturang protocol ay pinag-isipan at base din sa konsultasyon sa mga health expert.

Giit din ni Tugade na hindi naman ibig sabihin na magsisiksikan ang mga tao dahil sa pagbawal sa physical disntancing sa mga PUV.

“Hindi ibig sabihin niyan magsisiksikan na ang mga tao,” lahad ni Tugade. “Sa jeepney o bus, isa hanggang apat lang ang idadagdag na pasahero. Sa mga tren, 40 to 60 depende sa configuration.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?