27

Oct 15, 2018 @ 18:08
By

Quimbo iginiit na bawiin ang excise tax sa langis

Bukas-palad na tinanggap ng People’s Minority sa Kamara ang hakbang ng gobyerno na suspendihin ang ikalawang bugso ng excise tax sa produktong petrolyo sa ilalim ng TRAIN Law para sa 2019.

Ayon kay Marikina Rep. Miro Quimbo, indikasyon ito na kinikilala ng Malakanyang ang negatibong impact sa publiko ng pagtaas ng excise tax sa langis.

Pero sabi ni Quimbo, higit pa rito ang dapat gawin.

“While a suspension of the scheduled increases in 2019 will at the very least help to stem the tide and prevent the situation from getting any worse, it does nothing to relieve those who are now suffering from the relentless increase in prices,” sabi ni Quimbo.

Binanggit ng kongresista ang mataas na inflation na nagresulta sa pagdami ng mahihirap na Filipino.

Dahil dito, iginiit ng mambabatas ang panawagan sa administrasyon at mga kasamahan sa Kongreso na suportahan ang kanilang panukala na iurong ang excise tax sa produktong petrolyo at agad ipatupad ang mekanismo para sa awtomatikong suspensiyon ng excise taxes sa langis sa ilalim ng TRAIN.

“Once again we make this earnest and urgent from across party lines and beyond our political divisions. The suffering of our fellow Filipinos demands nothing less than a committed and united response,” ani Quimbo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?