310

By

Quiet lang kayo! Brownlee baka sulutin ni Heat coach Spoelstra – Cone

Walang balak si Ginebra coach Tim Cone na pakawalan ang kanyang prized import na si Justin Brownlee.

Ito’y kahit pa ang Fil-Am Miami Heat coach na si Erik Spoelstra ang makiusap dito.

Nasungkit ni Brownlee ang kanyang ika-apat na kampeonato sa PBA nitong Biyernes sa bisa ng 24 points, 10 assists at seven rebounds performance sa Game 5 win ng Ginebra kontra Meralco, 105-93.

Dahil dito’y sinariwa ni Cone kung paano niya nadiskubre si Brownlee, na nagsimulang maging import ng Ginebra noong 2016 matapos ma-injure ang original import ng Gins na si Paul Harris.

“I remember scouting him in the NBA Summer League, and I thought, ‘Wow, that guy will really do well in the Philippines.’ He was a little bit one-dimensional back then. He was more of a three, he was a stretch four, shot a lot of three-pointers, but proved he can play bigger guys and play against bigger guys even though he was only 6-5. Those kinds of guys usually do well here,” ayon kay Cone.

Pinuri ng PBA winningest coach si Brownlee, na ngayon daw ayon sa kanyang anak ay pwede na sa NBA ang Georgia-native.

“One thing my son said is that ‘Sorry, dad, but Justin is in the wrong league. He shouldn’t be in the PBA. He should be in the NBA playing as a star somewhere if he had been given a chance because he has improved that much,” sey ni Cone.

“He is an NBA-caliber guy. I don’t think there’s any doubt and I’m not going to tell Erik Spoelstra that because Erik might scout him and steal him. Keep quiet on that, don’t want anybody coming over from the NBA and taking him away,” aniya pa.

Mukhang wala rin namang balak umalis si Brownlee, nakabinbin ngayon ang kanyang papel para maging naturalized Filipino citizen dahil napamahal na sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?