1,812

Oct 14, 2020 @ 17:41
By

Quiboloy kakasuhan FB fan page ng ABS-CBN

Pinalagan ni Pastor Apollo Quiboloy ang lumabas na article sa isang social media fan page ng ABS-CBN.

Sa inilabas na article ng Kapamilya Kingdom, inakusahan si Quiboloy ng pagiging homophobic o galit sa mga homosexual, at binanggit din ang umano’y panggagahasa sa isang miyembro ng Kingdom of Jesus Christ noong 2014.

May pamagat ang article na “Homophobic pastor na si Apollo Quiboloy, sinupalpal ni Bro. Eddie C. Villanueva.”

https://www.facebook.com/kapamilyakingdom/posts/2874738859427559

Nag-ugat iyon matapos umanong kuwestiyonin ni Quiboloy ang deal ng ABS-CBN at Zoe TV na ipalabas ang mga Kapamilya program sa pagmamay-aring A2Z Channel 11 ni Bro. Eddie kasama ang “It’s Showtime” kung saan host si Vice Ganda.

October 13 ay naglabas ng komento tungkol doon si Quiboloy at sinabing hindi siya kundi isang concerned Jesus Is Lord (JIL) member ang kumuwestiyon sa deal at ipinaabot lang niya kay A2Z owner Bro. Eddie.

Tinanong daw sa kanya ng concerned JIL member kung ito-tolerate ba ng isang religious leader na gaya ni Villanueva na ipalabas ang show na nagpapakita ng homosexuality.

Giit ni Quiboloy sa Kapamilya Kingdom at sa iba pa niyang kritiko, na huwag siya ang tirahin dahil hindi naman siya ang nagtanong sa deal at hindi rin aniya siya galit sa mga homosexual.

“Hindi ako homophobic. Kung homophobic ako, walang mga homosexual na naririto, tinanggap ko, nagbago. Isang komunidad sila rito, ang dami nila,” wika niya sa video na ipinalabas sa FB page ng DZAR 1026.

Pinag-aaralan na raw sa ngayon ng legal team nila na kasuhan ang naturang FB page.

“Homophobic is libel. Libelous ‘yan. Kaya pinag-aaralan ng aming mga legal ito sa inyong sinabing, inakusahan n’yo akong homophobic. Hindi totoo ‘yun,” wika niya.

“Mayroon kayong legal accountability dito. Binanggit ninyo itong inakusahang nanggahasa ng miyembro, libelous ‘yan, cyber libel ‘yan. Inulit na naman ninyo homophobic ako libelous din ‘yan. Three counts na ‘yan ha, homophobic, nanggahasa ng miyembro at inakusahang rapist,” dagdag niya.

Hindi rin niya nagustuhan na pinag-aaway sila ni Bro. Eddie at hindi raw siya sinupalpal nito kundi sumagot lang.

“Mali ‘yung sinupalpal. Pinag-aaway ninyo kami, hindi naman kami nag-aaway. Pinasasagot lang siya ng kanyang mga member, pinadaan sa akin. Hindi ko kinuwestiyon, ang nagkuwestiyon member niya,” giit pa ni Quiboloy.

https://www.facebook.com/DZAR1026/videos/434324210866888/

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?