580

Feb 15, 2018 @ 16:24

Quiboloy ikinulong sa Hawaii; $350K, piyesa ng baril natagpuan sa kanyang eroplano

Ikinulong ng mga Customs and Border agents sa Hawaii si Pastor Apollo Quiboloy, lider ng Kingdom of Christ (KJC) matapos madiskubre sa loob ng kanyang Cessna plane ang $350,000 cash at mga piyesa ng baril.

Ayon sa report ng HawaiiNewsNow.com, may anim pang kasama si Quiboloy (malapit na kaibigan at supporter in Pangulong Rodrigo Duterte) subalit isa lang ang dinakip ng mga awtoridad.

Sa mga kasama ni Quiboloy, tanging si Felina Salinas, 47, isang US citizen ang inaresto matapos umaming siya ang may-ari ng pera. Nakalagay umano ang cash sa mga medyas.

Batay sa federal law, sinumang magbitbit ng $10,000 palabas ng bansa ay kailangang ideklara sa custom. Subalit tanging $40,000 ng $350,000 lang ang idineklara ni Salinas sa mga awtoridad.

Kinasuhan si Salinas ng cash smuggling at pinalaya din matapos makapagpiyansa ng $25,000 bond.

Ikinulong ng isang araw si Quiboloy at kanyang mga kasama subalit pinayagan ding makalipad pabalik ng Pilipinas kinabukasan. Nagtungo si Quiboloy sa Hawaii para mag-concert.

Ang KJC na pinamumunuan ni Quiboloy ay may 6 na milyong followers sa buong mundo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?