84

Nov 19, 2021 @ 20:28
By

Quiboloy camp tiwalang mananaig katotohanan

Tiwala ang kampo ni Kingdom of Jesus Christ (KJC) pastor Apollo Quiboloy na mananaig ang katotohanan sa pagsasabing handa nilang idepensa ang kanilang pastor at harapin ang sexual trafficking case na isinampa laban dito ng ilang US prosecutor.

Sinasabing nagre-recruit umano si Quiboloy ng mga babaeng edad 12 hanggang 25 para magtrabaho bilang mga personal assistant, ngunit kinakailangan silang makipagtalik kay Quiboloy na tinukoy ng mga biktima bilang “night duty”.

Sa isang pahayag, sinabi ng KJC legal counsel na ang mga taong nasa likod ng kaso ay siya ring mga dissident na nabigong makaladkad sa kaso si Quiboloy sa Hawaii.

“With the growing ministry and followers of the Kingdom comes also the growing opposition who are trying their best to destroy it and all the Kingdom leaders. The people who accused him today in California, are the same dissidents who miserably failed in their attempt to bring Pastor Quiboloy into the case in Hawaii.

“We are confident and ready to face whatever is hurled against Pastor Quiboloy and the Kingdom leaders. We trust the process of justice and we certainly expect the truth to prevail, and the Kingdom ministry will continue to prosper,” bahagi ng statement ng KJC.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?