101

Sep 14, 2021 @ 18:58
By

Quiboloy camp sa libel ni Pacquiao: Galawang politika

Tingin ng mga abogado ni Pastor Apollo Quiboloy na maaaring galawang pampulitika lamang ang paghahain ni Senador Manny Pacquiao ng P100 million cyberlibel complaint laban sa una dahil sa paparating na eleksyon.

Giit ng mga abogado ni Quiboloy, hindi inakusahan ng pastor ang senador kundi nagtatanong lamang ito.

“He never made an accusation against the senator but only floated the question regarding that matter on behalf of the people who wanted answers,” saad ni Attorney Marie Tolentino sa binasang pahayag ng kanilang grupo.

“The complaint of Senator Pacquiao may be considered retaliatory and a political move on his part considering the election is coming,” patuloy niya.

Nag-ugat ang reklamo dahil sa diumano’y akusasyon ni Quiboloy na P3.5 bilyong pondo ng bayan ang nalustay ni Pacquiao sa hindi pa tapos na Sarangani Sports Training Center.

Pero sabi ng mga abogado ni Quiboloy, ginamit lamang ng pastor ang karapatan na magbigay ng kritikal na pagsusuri kay Pacquiao na isang opisyal ng gobyerno.

“In a democratic society, public officials like Senator Manny Pacquiao should expect criticisms and critical evaluation from the performance of citizens whom they are expected to serve,” giit ni Tolentino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?