39

Jan 5, 2022 @ 14:24
By

Quiapo Church ikakandado sa pista ng Nazareno

Sarado ang Quiapo Church sa araw ng kapistahan ng Black Nazarene sa Enero 9.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, ito ay upang maiwasan ang kumpulan ng mga deboto sa gitna ng muling pagtaas ng kaso ng COVID sa bansa.

Napagkasunduan aniya nila ng pamunuan ng Quiapo Church na magsagawa na lamang ng mga online misa.

Inanunsyo rin ni Moreno na wala ulit Traslacion ngayong taon.

“Mabigat po sa kalooban ko na hindi tayo magmisa nang pisikal, alam natin nakagawian na natin ‘yan. Ipagpasensya po ninyo. Ito’y para rin naman sa kaligtasan ninyo at ninyong mga anak o pamilya,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?