23

Jul 3, 2020 @ 17:53
By

Quiapo Church binuksan na matapos i-lockdown

Muling nagkaroon ng misa sa makasaysayang Quiapo Church matapos itong sumalang sa 14 na araw na lockdown.

Nitong Biyernes ay isinagawa ang misa sa nasabing simbahan matapos itong isarado sa publiko noong June 19.

Ito’y dahil isang pari na tumuloy sa Quiapo Church ang nagpositibo sa virus noong Hunyo, na nalaman matapos nitong magpa-test sa Mindanao.

Samantala, nagnegatibo naman sa rapid antibody test ang bawat staff ng simbahan, na isinalang din sa 14-day quarantine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?