17

Jan 14, 2022 @ 10:15
By

Quiapo Church 2 linggong pansamantalang nakasara dahil sa Covid 19

Pansamantala muling isinara ang Quiapo Church sa Maynila dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19.

Sinabi ni Parish Priest Msgr. Hernando Coronel, sarado ang simbahan at opisina nito simula Enero 13 hanggang 26.

Ayon pa kay Coronel, magsasagawa ng disinfenction sa simbahan at opisina.

Magkakaroon din ng intensive sanitation sa loob ng simbahan.

Dagdag pa riyan, suspendido ang lahat ng aktibidad ng parokya para sa publiko ngunit tuloy pa rin ang “online mass” na maaring mapanood sa Facebook page ng Quiapo church.

Samantala, bukod sa Quiapo church, may ilang simabahan din sa Maynila ang isinara dahil sa banta ng coronavirus. (Sherrylou Nemis)

Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?